smdc

ANAK ng DOTC director tumalon sa tulay


LIGTAS na sa kamatayan ang binatang anak ng DOTC-Caraga regional director matapos itong tumalon sa Diosdado Macapagal Bridge sa Butuan City kasunod ng away nila ng nobya.
Nakilala ang nagtangkang mag-suicide na si AJ Pangandaman, anak ni DOTC-Caraga Regional Director Alim Pangandaman.
Ayon sa kasintahan ng binata na si Mary Grace Mercado, 20, tubong Bulacan, nagkaroon umano sila ng pagtatalo hanggang sa humantong sa hiwalayan matapos mag-inuman sa isang resto bar sa syudad.
Tinangka pang pigilan ng dalaga ang kanyang nobyo na huwag ituloy ang planong pagtalon sa nasabing tulay pero nabigo siya.
Nagpumiglas ang binate at bigla na lang tumalon ito kaya wala nang nagawa ang nobya kundi ang humingi ng tulong sa mga pulis.
Inamin ng dalaga na siya ay nanggaling pa sa Bulacan at nagpunta lang sa Mindanao para iselebra nilang magkasama ang Valentine’s Day.
Samantala, umiyak pa si Director Pangandaman nang una niyang malaman ang nangyari sa kanyang anak. (Richard Kho)