smdc

SEX video ng MISIS at LOVER, ebidensiya ni MISTER

SINAMPAHAN na ng kasong adultery ang isang misis habang kasong concubinage naman ang kinakaharap ng lalaking kalaguyong nito matapos mahuli ng mister sa akto ang pagtataksil ng babae sa Koronadal City, South Cotabato.
Sa isang komprontasyon, sinabi ng akusadong si alyas Amelia na handa niyang tanggapin ang anumang parusa sa kaniyang ginawa. Inamin na umano nito sa mister na may iba itong lalaki at pinayagan din umano siya ng kanyang asawa.
   Giit pa ni Amelia, ang pagkulang ng atensiyon ng mister at pinansyal ang siyang dahilan para sumama ito sa kanyang kalaguyo.
   Samantala, inamin din ng mister na si alyas Roger na matagal na niyang napapansin ang panlalamig ng kaniyang misis.
Lumakas pa ang kanyang pagdududa na may iba itong lalaki nang makita ang sex video ng kaniyang asawa at kalaguyo nito.
Inamin ni Roger na gagamitin niyang ebidensya ang nasabing sex video sa kaso laban sa dalawa.
Ayon naman sa kalaguyo ni Amelia, nagmamahalan silang dalawa at nagkakilala sa pamamagitan ng na-wrong send na mensahe sa cellphone.
Doon nagsimula ang kanilng relasyon hanggang nagkasundong mag-live-in ang dalawa.
Nabatid na may asawa rin ang kalaguyo na si alyas Caloy na nasa Zamboanga City at nagtatrabaho siya ngayon sa General Santos City bilang oiler sa isang barko. (Richard Kho)